Saturday, June 9, 2012

Viajeng Sagada pt1

Marami rami na rin akong napuntahan. But this time, iba tong adventure na to. Kung noon puro beach ang trip, ngayon nature tripping naman. Tara na byahe tayo sa SAGADA.

Right after ng Memorial day ang schedule ng alis ng bus from Manila to Banaue. Actually muntik pa nga kami mahuli dahil sa after ng event ko ay kumain pa kami ng pamilya ko sa isang fast food chain. Around 10 pm ang alis ng bus at almost 6am na kami nakarating sa Banaue (don’t worry may mga bus stop naman eh). 

BANAUE. Kakaiba ang istilo ng bahay nila doon. Ewan ko ba kasi ang tingin ko parang nasa ibang dimension ako. Sa pagmamasid ko, binansagan ko ang Banaue na RED HIGHLAND. Red, kasi kahit saan ka pumunta ang tatapakan mo ay red, gawa ng mga dura at “NGANGA” na kinakain nila. Ngayon alam ko na, na ang pag kain pala ng Nganga ay may proseso. Di lang pala yan parang bato ni darna basta basta na lang isusubo (di ko na babanggitin, tamad mag type). At ang mga tao hindi maputi pero di naman maitim, mamula-mula lang.


Very amazing talaga ang Rice Terraces. Talagang matatalino, masipag at maabilidad ang mga ninuno natin. Biruin mo naisip at nagawa nila yung ganoon kalaking landscape. Marami palang part sa banaue ang Rice Terraces, parang barangay-by-barangay o tribe-by-tribe. Magsasawa ka lang.

So from Banaue meron pang 2 hours ride papuntang Sagada. Habang nasa byahe madadaanan mo doon ang walang katapusang rice terraces, falls, river at rice terraces pa ulit. At di mo maiiwasan mag to the left, to the left, to the right, to the right, to the left-right-left-right-right-left. Zigzag eh, puro gilid kasi ng bundok ang dadaanan. Meron pa nga up-down part, pero gusto ko 100% wholesome ang blog ko. Mahirap na sa mga green minded.

SAGADA. Almost 12 na rin kami nakarating ng Sagada. Disiplinado naman ang mga tao doon. Kahit na sobrang malayo sa kabihasnan, kitang kita ang pagiging moderno ng mga tao doon. At ramdam na ramdam mo na sinakop na ng turismo ang lugar. Madadaan doon ang Bontoc Mountain Province, ang tinagurian kong City of Tribes. (naisip ko lang).
Since holiday that time. Punuan ang lodge/inn. Buti na lang may nakuha pa kami matitirahan, sa mga resident doon, di na rin kasi kaya pang i-hold ng lodges ang volume ng mga turista.

PAHINGA. KAIN. REGISTER. GALA AROUND PROPER (cemetery). GABI NA. KAIN. TULOG.
..to be continued