Tuesday, January 22, 2013

The Peak of Rizal

Tadaaa!!!! My first ever mountain climb, Mt. Balagbag in Rizal. 3 weeks of preparation kasama na doon ang  pag move ng schedule due to small rain. 2 bundok ang nasa original itinerary namin (feeling pro mountaineer) sa pag aakalang ganoon lang kadali pero dahil na rin sa intensive research ay napagpasyahan na ang Mt. Balagbag na lang ang unahin.

3 kaming makakating paa ang sumubok sa pag akyat. Lahat kami ay first time umakyat, mga amateur kung baga. At dahil may bahay ang isa naming kasama malapit sa bundok ay sya ang naging guide namin papunta sa paa ng bundok.


River Trail


Nang makalabas na kami sa main road mula sa river tripping. Umpisa na ng nakakahingal na pag akyat. Bawat makasalubong namin na lokal at nagtatanong kami kung "Malapit na po ba yung Helipad?" Ito kasi ang tawag sa summit ng Mt. Balagbag. At ang lahat ng mapagtatanungan ay iisa lang ang sabi "MALAYO PA". Hanggang sa naubusan na kami ng mapagtatanungan at naabot na namin ang GATE papunta sa summit. Yup! may gate talaga at kulay red. Private property ata yun, kasi may bakod. Mga 100m  mula sa gate may bahay na puro manok na pansabong, doon kailangan mag register at may Php10 environmental fee.


City Lights (sorry for the fail shot)




Our campsite at the very middle of this still, see those small white dots? 



Other group of campers.

Di na kami pinayagan pa na mag camp doon mismo sa Helipad dahil sa epic na lakas ng hangin. Delikado daw baka pag umpisahan pa ng sunog kapag magluluto kami at baka daw pag gising namin ay nasa ibang lugar na kami dahil tinangay na kami sa lakas ng hangin. Sobra din sa lamig noong pagabi na at kahit nakadoble pa kami ng jacket at tagos pa rin talaga sa buto ang lamig.




The summit a.k.a HELIPAD



The Mega Manila. Looks like a modern city floating in the clouds.


Di ko alam kung may kababalaghan ba ang Balagbag. Pero kasi bandang 11pm, 2am, at 3am na kung saan ang maliwanag ang buwan, epic sa lakas ng mangin at matindi ang lamig, may naririnig ako na batang naghahabulan at nagsisigawan mula sa malayo, parang naghaharutan. Ganoong oras? Malakas ang hangin? Sobrang lamig? Sa tutok ng bundok? Mga batang parang naglalaro at nagsisigawan? Hala!

Kinabukasan, kinuwento ko yung mga narinig ko, at nakumpirma ko na di ko lang yung guniguni. Sila rin daw ay narinig nila ang ingay ng mga bata. Patunay lang na 3 kaming naistorbo ng mga bata. 

Pahabol. At syempre inatake na naman ang ako ng sakit ko sa tuhod kaya hirap ako sa paglakad pababa. di ko maibaluktot yung tuhod ko kahit na nilagyan ko pa ng salonpas nung gabi. Buti na lang pagbaba ng bundok may mabait at masayang pamilya na nag offer sa amin ng lift papunta sa sakayan. Malayo layo rin yun.

Thursday, January 10, 2013

Landscape: Baler edition pt1

A bonding moment. Father and Son


Rumaragasang alon. Perfect for amateur surfers


 Uhhmmm... STONE?


Overkill. Boredom. 


Aurora Lake