Busybees (bis-bis). Ayon sa nakalap kong impormansyon ipinangalan ang lugar na ito sa mga taong nakatira doon.
Busy as bees. Mayaman sa likas na kayamanan. Simpleng pamumuhay. Mayabong na gubat. Malapad na palayan. Mga ilog, bundok at samu't saring hayop.
Dito nakatira ang nanay ko. Probinsyanang probinsyana. Yung tipong sa ilog naglalaba, bago magdilim dapat nakapagluto na. Pero teka, ang totoong bahay nila mama ,maliban sa bahay nila sa mismong baryo ay mga dalawang oras na lakad pa paakyat ng bundok. Isang beses na rin ako nakapunta doon at maraming beses ako nagsabing "Malapit na ba?" at ang laging sagot nila ay "Oo, malapit na" hanggang sa nagsawa na ako sa kakatanong. Pero enjoy naman, trekking na rin dahil ang dadaanan pakyat ng bundok ay puro palayan, kagubatan at ilog.
Nakakatakot kapag gabi na dahil lampara lang ng source ng ilaw samahan pa ng kababalaghang kwentuhan, makakatulog ka pa kaya lalo na kung kabilugan ng buwan at puro anino ng naglalakihang mga puno?
-Busybees, Taytay Palawan