Friday, July 6, 2012

Viajeng Sagada pt3


Pagkatapos ng nakakahingal na pag akyat mula sa hanging coffin ay nilantakan na namin ang baon naming adobo. Yup may baon kaming pagkain. Masarap kumain sa bundok, kahit na may mga taong padaan daan sa amin, inaalok bawat dumadaan, nagsawa na nga ako eh, di na ako nag alok, hindi rin naman kasi sila kakain. Picture taking. Umuwi sa bahay, nagpahinga at nagluto. Mamaya lunch namin itutuloy ang adventure.

Bok-ong Falls: Around 11:30 am. Gamit ang inarkilang mountain bike na worth 100/hour pumunta kami sa  isang maliit na falls. Mga 10 minutes lang, pero inabot kami ng 30 minutes dahil sa kakapa picture, at napagod dahil sa pataas ng bahagi ng daan kaya nilakad na lang. Hanggang sa may tindahan lang sa loob maari ang bike at kailangan na namin itong iwan, at mula doon abot tanaw na namin ang maliit na falls. Hindi gaano mataas ang falls pero mataas na yun kung tatalunin ng kagaya ko, di nga ako nakatalon mula sa pinaka itaas eh. May lalim na 12 feet ang pool ng waterfalls. Di ko kayang sisirin pero kaya ng  mga batang mas maliliit pa sa akin.

Malakas ang agos, muntikan pa nga ako malunod, kung nagkataon nasa dyaryo ako, di ko nga lang mababasa. Pahabol, may dala pala ulit kaming pagkain at doon na din kami nagtanghalian.

Tumagal kami ng halos 2 oras hanggang sa maibalik na namin ang mountain bike at dumiretso sa susunod na pagsubok.


Cave Connection: Sa totoo lang pwede naman pala lakarin mula sa proper, mga 10-15 minutes na lakaran. Halimaw itong cave na ito. From Lumiang Cave to Sumaging Cave, Hindi ko alam kung ilang cave ang pinagsama sama para mabuo ito halimaw..este cave connection na ito. Sa bunganga pa lang ng kweba gigimbalin ka kaagad ng patong patong na kabaong. Sa una parang nakakatakot pumasok sa loob ng kweba, pero nang umpisahan na naming pasukin, mas exciting pa pala kaysa sa iniisip ko. Gamit lang ang petromax bilang ilaw, kailangang sumuot sa maliliit na butas sa gitna ng mga dambuhalang bato. Gapang, lambitin at minsan upside down pa ang pagpasok sa butas. May techniques sa pagpasok, kailangan mo lang talagang makinig sa tour guide mo. Akyat at baba sa malalaking bato, pag nagkamali malalim ang babagsakan mo.


Ang mas nakaka believe pa sa kwebang ito, malalim na nga ang binabaan namin, aba pagdating sa pinaka baba ma-re-realize mo na nasa taas ka pa ng falls. Malalaman mo yan dahil maririnig mo ang lakas ng buhos ng tubig. Pero off limit na yun. Hanggang doon lang pwede ang turista. May mga samut saring rock formation din sa loob ng kweba at sobrang malamig ang tubig. Kung dire-diretso ang exploration, 2 oras lang makakalabas ka na. Matatagalan ka lang talaga dahil maraming tao kaya kailangan nyo mag hintay. Hell lang ang paglabas sa kweba. Medyo maputik, mabaho dahil sa dumi ng paniki at matarik. Pero panalo talaga ang spelunking sa cave connection.

Paglabas namin ni kuya hindi na ako makalakad ng maayos. hindi ko na mai-bent ang tuhod ko. Napilayan ako doon pa lang kakapigil ko ng mountain bike dahil medyo bangin ang dinadaanan namin. Mas lumala pa dahil sa kakasuot, akyat baba sa bato tapos tutubog sa malamig na tubig. Kaya nang kinagabihan, hayun, hello lagnat! But it’s all worth it. Best adventure talaga, sulit ang magbakasyon sa SAGADA!

Tuesday, July 3, 2012

Viajeng Sagada pt2


Sunrise ViewMaaga kinabukasan. Nagpasundo kami sa tourist guide (yung taong nagdala sa amin sa tinutuluyang bahay). Sa wakas ma eexperience ko na ang nakikita ko sa TVC ng Smart at Tourism na mas mataas ang mga tao kaysa sa ulap at sa pagsikat ng araw. Yey! Since 2 lang kami at wala kaming sasakyan, ano pa ba e di maglakad, mga 30 mins na lakaran. Akala ko pa naman sa masukal na gubat kami dadaan, sa kalsada pala, pero ok lang. Medyo makapal ang fog. At yun na nga, sa wakas heto na ng lugar kung saan ay.....na kung saan ang sunrise view. Pero napakaraming tao, lahat nag aabang sa pagsilip ni haring araw.

Ayaw naman ni kuya sa maramig tao, (taga bundok kasi, pagbigyan nyo na), kaya humanap kami ng secluded place na medyo malayo sa crowd pero andoon pa rin ang view. Pero sadyang sobrang maulap lang at makapal ang fog that time kaya wala kami napala. Late na nagpakita si araw. Pero ok lang, enjoy naman ang trip. Next!


Cemetery:Bukod sa famous hanging coffin, kakaiba pa rin ang sementeryo nila. Laging may bakanteng slot na katabi ang mga inilibing, para raw yun sa asawa nila. At doon ko nakita ang puntod ng asawa ng apo ni Yamashita (or mali ang narinig ko, di kasi ako attentive eh). Nasa itaas ng bundok ang kanilang sementeryo, bale pag galing kang proper dadaan ka ng maliit na terminal at plaza tapos madadaanan mo rin ang simbahan, renovated na ang simbahan pero bakas mo pa rin ang pagkaluma nito at makikita mo sa labas ang mga gamit pang gyera. Sa itaas ng simbahan ang sementeryo nila.


Hanging Coffin: Actually, sa bawat bundok at kweba nagkalat ang Hanging Coffin. Kakaiba ang proseso ng pag hang. Walang imbalsamo. Hugis fetus ang bangkay na binalot sa tela (mummy styled fetus). Ang sistema, day before pa lang ng pag hang, gawa na ang scaffolding. During the day ng pag hang , pagpapasa pasahan ang bangkay na nakaupo sa bangko hanggang makarating sa coffin. Swerte daw kapag matuluan ka ng katas ng bangkay. Mas mataas ang pag hang mas malapit sa Maylikha. At kailangan nakasilong ang coffin sa bato, yung tipong di mababasa pag umulan.
..to be continued ulit :)

Saturday, June 9, 2012

Viajeng Sagada pt1

Marami rami na rin akong napuntahan. But this time, iba tong adventure na to. Kung noon puro beach ang trip, ngayon nature tripping naman. Tara na byahe tayo sa SAGADA.

Right after ng Memorial day ang schedule ng alis ng bus from Manila to Banaue. Actually muntik pa nga kami mahuli dahil sa after ng event ko ay kumain pa kami ng pamilya ko sa isang fast food chain. Around 10 pm ang alis ng bus at almost 6am na kami nakarating sa Banaue (don’t worry may mga bus stop naman eh). 

BANAUE. Kakaiba ang istilo ng bahay nila doon. Ewan ko ba kasi ang tingin ko parang nasa ibang dimension ako. Sa pagmamasid ko, binansagan ko ang Banaue na RED HIGHLAND. Red, kasi kahit saan ka pumunta ang tatapakan mo ay red, gawa ng mga dura at “NGANGA” na kinakain nila. Ngayon alam ko na, na ang pag kain pala ng Nganga ay may proseso. Di lang pala yan parang bato ni darna basta basta na lang isusubo (di ko na babanggitin, tamad mag type). At ang mga tao hindi maputi pero di naman maitim, mamula-mula lang.


Very amazing talaga ang Rice Terraces. Talagang matatalino, masipag at maabilidad ang mga ninuno natin. Biruin mo naisip at nagawa nila yung ganoon kalaking landscape. Marami palang part sa banaue ang Rice Terraces, parang barangay-by-barangay o tribe-by-tribe. Magsasawa ka lang.

So from Banaue meron pang 2 hours ride papuntang Sagada. Habang nasa byahe madadaanan mo doon ang walang katapusang rice terraces, falls, river at rice terraces pa ulit. At di mo maiiwasan mag to the left, to the left, to the right, to the right, to the left-right-left-right-right-left. Zigzag eh, puro gilid kasi ng bundok ang dadaanan. Meron pa nga up-down part, pero gusto ko 100% wholesome ang blog ko. Mahirap na sa mga green minded.

SAGADA. Almost 12 na rin kami nakarating ng Sagada. Disiplinado naman ang mga tao doon. Kahit na sobrang malayo sa kabihasnan, kitang kita ang pagiging moderno ng mga tao doon. At ramdam na ramdam mo na sinakop na ng turismo ang lugar. Madadaan doon ang Bontoc Mountain Province, ang tinagurian kong City of Tribes. (naisip ko lang).
Since holiday that time. Punuan ang lodge/inn. Buti na lang may nakuha pa kami matitirahan, sa mga resident doon, di na rin kasi kaya pang i-hold ng lodges ang volume ng mga turista.

PAHINGA. KAIN. REGISTER. GALA AROUND PROPER (cemetery). GABI NA. KAIN. TULOG.
..to be continued