Sunrise View: Maaga kinabukasan. Nagpasundo kami sa tourist guide (yung taong nagdala sa amin sa tinutuluyang bahay). Sa wakas ma eexperience ko na ang nakikita ko sa TVC ng Smart at Tourism na mas mataas ang mga tao kaysa sa ulap at sa pagsikat ng araw. Yey! Since 2 lang kami at wala kaming sasakyan, ano pa ba e di maglakad, mga 30 mins na lakaran. Akala ko pa naman sa masukal na gubat kami dadaan, sa kalsada pala, pero ok lang. Medyo makapal ang fog. At yun na nga, sa wakas heto na ng lugar kung saan ay.....na kung saan ang sunrise view. Pero napakaraming tao, lahat nag aabang sa pagsilip ni haring araw.
Ayaw naman ni kuya sa maramig tao, (taga bundok kasi, pagbigyan nyo na), kaya humanap kami ng secluded place na medyo malayo sa crowd pero andoon pa rin ang view. Pero sadyang sobrang maulap lang at makapal ang fog that time kaya wala kami napala. Late na nagpakita si araw. Pero ok lang, enjoy naman ang trip. Next!
Cemetery:Bukod sa famous hanging coffin, kakaiba pa rin ang sementeryo nila. Laging may bakanteng slot na katabi ang mga inilibing, para raw yun sa asawa nila. At doon ko nakita ang puntod ng asawa ng apo ni Yamashita (or mali ang narinig ko, di kasi ako attentive eh). Nasa itaas ng bundok ang kanilang sementeryo, bale pag galing kang proper dadaan ka ng maliit na terminal at plaza tapos madadaanan mo rin ang simbahan, renovated na ang simbahan pero bakas mo pa rin ang pagkaluma nito at makikita mo sa labas ang mga gamit pang gyera. Sa itaas ng simbahan ang sementeryo nila.
Hanging Coffin: Actually, sa bawat bundok at kweba nagkalat ang Hanging Coffin. Kakaiba ang proseso ng pag hang. Walang imbalsamo. Hugis fetus ang bangkay na binalot sa tela (mummy styled fetus). Ang sistema, day before pa lang ng pag hang, gawa na ang scaffolding. During the day ng pag hang , pagpapasa pasahan ang bangkay na nakaupo sa bangko hanggang makarating sa coffin. Swerte daw kapag matuluan ka ng katas ng bangkay. Mas mataas ang pag hang mas malapit sa Maylikha. At kailangan nakasilong ang coffin sa bato, yung tipong di mababasa pag umulan.
..to be continued ulit :)
No comments:
Post a Comment