Sunday, April 4, 2010

Baler, ang unang apak pt3


Day 2
As amateur surfer: My first board surfing experience! Oh yeah! Maaga kinabikasan nakipag kita kami kay sir Mike sa Bay’s Inn (ulet). After mag breakfast at makapagtunaw ng nilamon (lamon kasi big ang servings nila doon) ay nagtungo kami sa mga surfing centers. For the price of Php200.00 may 1 hour surfing lesson ka na (syempre may kasama ng instructor yan). Sulit na rin. And let the surf begin! (wait, andaming magagandang katawan :), slim sexy at beach bum talaga ).
Malamang dahil na din sa taga Palawan kami kaya hindi kami natatakot, matumba at umikot-ikot sa ilalam ng dagat, sanay kami sa lunuran. Akala ko mahirap matutunan, pero after ilang try, kayang kaya ko nang tumayo at sumabay sa alon (yabang ko no!). Pero kahit na kaya mo nang mag surf, hindi ibig sabihin noon na alam mo na ang lahat.  Ang nakakapagod lang during surfing ay ang bumalik sa laot at sagupain ang malalaking alon. Good luck! Ako na rin ang nagsawa dahil sa pagod. After makapagbanlaw at makapag bihis, NEXT!

View from Ermita Hill


Sakay ng motor marami kaming pinuntahang magagandang lugar, tulad ng hanging bridge, Over looking Ermita at sa Balete na kung saan sa sobrang laki nito madali lang itong akyatin at pwede kang lumusot lusot sa loob ng mga ugat nito, parang maze, bahala ka na lang maghanap kung saan ang labasan at kailangan mo lang bilisan dahil kusang nagsasara ito kapag gutom na ang mga engkanto, hehe. (Btw, kasama na pala namin dito ang kapatid ni sir Mike na classmate din ng kapatid ko.)

Gabi na. Inuman na! Tas PBB teens naman! haha
Kinabukasan kailangan na namin umuwi dahil wala na kaming pera. Pero sobrang nag enjoy kami sa company ni sir Mike at syempre sa Baler. Sulit talaga ang magbakasyon sa BALER! :)

Baler, ang unang apak pt2

Cunayan Falls: Pagkatapos namin kumain sa  Gerry Shan at masundo si sir Peds, una naming pinuntahan ay ang Cunayan Falls. Bago ka makarating sa mismong falls, 3 beses ka lang naman hihinto para magbayad dahil sa pagdaan nila sa lupa nila. Hindi ka makakatakas dahil may harang na tali. Php10.00 lang ang entrance at Php100.00 naman ang sa cottage. Hindi naman masyadong malaki ang falls na ito, sapat na rin yan para makalangoy ka kahit maraming tao. Dito masarap uminom dahil nakaka refresh ang tubig. May malaking falls daw sa unahan pero dahil malayo at matataba (oops, sorry guys) ang kasama ko ay pinagpaliban na lang. May isa pang malapit na waterfalls, bandang itaas lang, ito naman maliit lang at medyo tago. 



Nia Dam: Talaga namang sagana ang Baler sa tubig dahil kahit saan ka pumunta may umaagos na malinis na tubig. Kung tutuusin isang water resort na ang Nia Dam kung ikukumpara na sa manila. Pero sa Baler, libreng paliguan lang na yun. Malalim, malawak, malamig, malinis, malinaw ang tubig doon dahil umaagos ito papuntang field. Masarap mag picnic at uminom habang naliligo. Php2.00 ang rent ng salbabida, o kahit wala na manghiram ka na lang :).

May araw pa ng umuwi na kami sa tinutuluyan namin para magpahinga. 9pm na ng magising kami kaya di na namin inistorbo si sir Mike. Lumabas na lang kami para kumain.
2nd day adventures soon to be posted..

Baler, ang unang apak pt1


Bago ang lahat nais ko munang bigyan ng natatanging komendasyon ang aking napakabait na kaibigan na isang Professor sa UP Baler para sa kanyang napakainit na pag tanggap sa amin ni kuya sa kanilang lugar. Sir Mike, thank you!

Tulad ng nakagawian tuwing holy week kami nagbabakasyon. After memorial ang sched ng departure ng Genesis Bus Line along Cubao papuntang Baler Aurora, Php480 ang regular fare. 11pm na nang magtext ako kay sir mike na tuloy kami sa Baler. Dahil sa holiday, punuan ang lodge, kaya tarantang itik itong si sir Mike kakahanap ng reservation kahit na malalim na ang gabi, evil ko diba?


DAY 1
Baler Terminal: At sa wakas, pagkatapos ng mahigit 10 oras na byahe, haler Baler na! Sinundo kami ni sir Mike sa terminal dala ang kanyang wheels! Motor ang tinutukoy ko.

Bay’s Inn: Una naming tinahak, syempre ang maalong dagat. Perfect to para sa mga amateur surfers kagaya ko ( I mean beginner). Nag breakfast muna kami sa Bay’s Inn kaharap ang dagat. In fairness masarap ang food. Sikat kasi itong lodge and restaurant na ito dito sa Baler. Masarap ang shake nila dito. Konteng kwentohan bago naghanap ng matutuluyan. Medyo malayo sa dagat yung nakuha naming lodge dahil sa punuan nga pero ok lang at least around proper pa din. At saka nagpahinga, babalikan daw kami ni sir Mike for lunch para ilibot sa Baler.

Dahil luch time, dinala kami sa Gerry Shan’s RestaurantMasasarap talaga ang food doon kaya sulit sa presyong hindi naman kamahalan. After namin kumain dinaanan na din namin ang isa pa nyang kasama sa UP, si sir Pedro/Peds para naman tig-isa sila ng angkas sa motor. 

Next post na lang kung saan pa kami dinala ni sir Mike. Marami pang adventure sa susunod na post.
..to be continued..