Bago ang lahat nais ko munang bigyan ng natatanging komendasyon ang aking napakabait na kaibigan na isang Professor sa UP Baler para sa kanyang napakainit na pag tanggap sa amin ni kuya sa kanilang lugar. Sir Mike, thank you!
Tulad ng nakagawian tuwing holy week kami nagbabakasyon. After memorial ang sched ng departure ng Genesis Bus Line along Cubao papuntang Baler Aurora, Php480 ang regular fare. 11pm na nang magtext ako kay sir mike na tuloy kami sa Baler. Dahil sa holiday, punuan ang lodge, kaya tarantang itik itong si sir Mike kakahanap ng reservation kahit na malalim na ang gabi, evil ko diba?
Baler Terminal: At sa wakas, pagkatapos ng mahigit 10 oras na byahe, haler Baler na! Sinundo kami ni sir Mike sa terminal dala ang kanyang wheels! Motor ang tinutukoy ko.
Bay’s Inn: Una naming tinahak, syempre ang maalong dagat. Perfect to para sa mga amateur surfers kagaya ko ( I mean beginner). Nag breakfast muna kami sa Bay’s Inn kaharap ang dagat. In fairness masarap ang food. Sikat kasi itong lodge and restaurant na ito dito sa Baler. Masarap ang shake nila dito. Konteng kwentohan bago naghanap ng matutuluyan. Medyo malayo sa dagat yung nakuha naming lodge dahil sa punuan nga pero ok lang at least around proper pa din. At saka nagpahinga, babalikan daw kami ni sir Mike for lunch para ilibot sa Baler.
Dahil luch time, dinala kami sa Gerry Shan’s Restaurant. Masasarap talaga ang food doon kaya sulit sa presyong hindi naman kamahalan. After namin kumain dinaanan na din namin ang isa pa nyang kasama sa UP, si sir Pedro/Peds para naman tig-isa sila ng angkas sa motor.
Next post na lang kung saan pa kami dinala ni sir Mike. Marami pang adventure sa susunod na post.
..to be continued..
No comments:
Post a Comment