Day 2
As amateur surfer: My first board surfing experience! Oh yeah! Maaga kinabikasan nakipag kita kami kay sir Mike sa Bay’s Inn (ulet). After mag breakfast at makapagtunaw ng nilamon (lamon kasi big ang servings nila doon) ay nagtungo kami sa mga surfing centers. For the price of Php200.00 may 1 hour surfing lesson ka na (syempre may kasama ng instructor yan). Sulit na rin. And let the surf begin! (wait, andaming magagandang katawan :), slim sexy at beach bum talaga ).
Malamang dahil na din sa taga Palawan kami kaya hindi kami natatakot, matumba at umikot-ikot sa ilalam ng dagat, sanay kami sa lunuran. Akala ko mahirap matutunan, pero after ilang try, kayang kaya ko nang tumayo at sumabay sa alon (yabang ko no!). Pero kahit na kaya mo nang mag surf, hindi ibig sabihin noon na alam mo na ang lahat. Ang nakakapagod lang during surfing ay ang bumalik sa laot at sagupain ang malalaking alon. Good luck! Ako na rin ang nagsawa dahil sa pagod. After makapagbanlaw at makapag bihis, NEXT!
View from Ermita Hill
Sakay ng motor marami kaming pinuntahang magagandang lugar, tulad ng hanging bridge, Over looking Ermita at sa Balete na kung saan sa sobrang laki nito madali lang itong akyatin at pwede kang lumusot lusot sa loob ng mga ugat nito, parang maze, bahala ka na lang maghanap kung saan ang labasan at kailangan mo lang bilisan dahil kusang nagsasara ito kapag gutom na ang mga engkanto, hehe. (Btw, kasama na pala namin dito ang kapatid ni sir Mike na classmate din ng kapatid ko.)
Gabi na. Inuman na! Tas PBB teens naman! haha
Kinabukasan kailangan na namin umuwi dahil wala na kaming pera. Pero sobrang nag enjoy kami sa company ni sir Mike at syempre sa Baler. Sulit talaga ang magbakasyon sa BALER! :)
No comments:
Post a Comment