Monday, April 22, 2013

Isla Talacanen



Maliit na isla sa bayan ng Taytay probinsya ng Palawan. Dito talamak ang pagku culture ng isdang Lapu na kung tawagin ay buhay-buhay. Bukod sa buhay-buhay  marami din sa paligid ang baklad, dito kusang pumapasok ang iba't ibang klase ng isda. Di rin pahuhuli sa beach itong isla na ito dahil bukod sa magandang klase ng buhangin ay malalim  din ang tubig.

-Talacanen Island, Taytay Palawan

Wednesday, April 17, 2013

Of nature and simple living

Busybees (bis-bis). Ayon sa nakalap kong impormansyon ipinangalan ang lugar na ito sa mga taong nakatira doon. Busy as bees. Mayaman sa likas na kayamanan. Simpleng pamumuhay. Mayabong na gubat. Malapad na palayan. Mga ilog, bundok at samu't saring hayop.

Dito nakatira ang nanay ko. Probinsyanang probinsyana. Yung tipong sa ilog naglalaba, bago magdilim dapat nakapagluto na. Pero teka, ang totoong bahay nila mama ,maliban sa bahay nila sa mismong baryo ay mga dalawang oras na lakad pa paakyat ng bundok. Isang beses na rin ako nakapunta doon at maraming beses ako nagsabing "Malapit na ba?" at ang laging sagot nila ay "Oo, malapit na" hanggang sa nagsawa na ako sa kakatanong. Pero enjoy naman, trekking na rin dahil ang dadaanan pakyat ng bundok ay puro palayan, kagubatan at ilog.

Nakakatakot kapag gabi na dahil lampara lang ng source ng ilaw samahan pa ng kababalaghang kwentuhan, makakatulog ka pa kaya lalo na kung kabilugan ng buwan at puro anino ng naglalakihang mga puno?


-Busybees, Taytay Palawan

Sunday, March 31, 2013

Mt Balagbag

Mahirap magluto dahil sa lakas ng hangin. Wala pa kaming dalang uling kaya todo hanap ng pang gatong na mahirap matagpuan dahil hindi kakahuyan ang paligid. Buti na lang maabilidad ang mga kasama ko.

Thursday, March 28, 2013

Road Travel: It's More Fun In The Philippines





Reasons why road travel is more fun in the Philippines.


Rough road 

Kung ang EDSA nga malubak pa rin kahit sementado na ano pa kaya kung bundok na tinapyas ang dadaanan. Palalain pa yan ng mga naglalakihang kanal sa gitna mismo ng daan na inagusan ng tubig kapag umuulan. Pag tag-ulan maputik, free mud pack. Pag tag init maalikabok, libre naman foundation.

Landslide, Mudslide, Cliff aka The Danger Zone

At dahil nga sa tinatapyas ang bundok para gawing daan, hindi talaga maiiwasan magkaroon ng landslide o mudslide kapag umuulan. Nandyan yung gumugulong yung mga bato sa gilid at sa unahan biglang end na ng journey nyo dahil may nakaharang na lupa sa daanan kung minsan malaking puno pa. At dahil na rin sa dulas ng daanan maling kabig lang ng manibela paatras ay bangin ang huhulugan..marami-rami na rin akong narinig na reporter cases lalong lalo na nung unang ginagawa pa lang ang daan.

Top loads and over loads.

Syempre byaheng probinsya. Minsanan lang sa isang araw ang alis kaya nilulubos na nila ang byahe. Hakot kung hakot, hanggat hindi sumasabog ang gulong wapakels! Karga ng sako sako ng bigas. Karton karto ng grocery para sa tindahan. Sako ng uling at kahoy pang gatong. Sako ng niyog. Buwig ng saging. Mga tiklis ng mangga. Container ng gasolina. Baboy na nakasabit sa likod. Manok sa ilalim ng upuan. At sandamakmak na tao sa ibabaw ng sasakyan. Syempre sa daan pi-pick-up pa sila ng pasahero. 

Wheels of fortune

Ito ang nakaka BV. Overloaded ang sasakyan dagdagan pa ng VERY rough road na kung saan NAGLALAKIHAN ang mga matatalim na bato, hayun! PHHHEEWWW! Yung totoo, ayon sa aking pag a analyze 8 sa bawat 10 sakay ko mula bayan patungong mga baryo ang laging nagkakaproblema sa gulong. FLAT!!!!

Efficient Driver

Bigyan naman natin ng komendasyon ang mga driver. Aba! Mahirap din kaya mag drive sa ganyang  klase ng daanan. Kailangan maabilidad ka sa mga naglalalimang lubak at putik dahil kung hindi tyak mababalahaw kayo. 

Magnificent View

Pampawi sa sakit-ulong byahe. Magtataasang bundok. Makapal ng gubat. Mga ilog. Malapad na dagat. At mga hayop sa daanan. Pamparelaks pa ang sariwang hangin.

Cool Passengers

Minsan nakaktuwa, minsan nakakainis. Depende yan sa makakatabi mo. May pasaherong amoy....basta. May pasahero na madaling mahilo at sumusuka. may pasaherong maarte. May pasaherong cool katabi at mayroon din namang ..wala lang. Pero kahit anong klase pa yan ng pasahero, pag nahirapan ang sasakyan umakyat sa matarik na daan, tyak bababa at baba rin sila para maglakad. Basta ang naaalala ko sa huling byahe ko, isang matandang babae na nakasabit sa likod ng jeep, partida pa, may dala pa syang gallon. Yan ang cool.

-Taytay Palawan

Wednesday, March 20, 2013

Tierra de Amor: from GloomyLand to LoveLand

Gunigunihin. Isang lugar sa tabing dagat na puro mangrove ang nakatanim. Maputik, maraming niknik (mas maliit pa ng halos 10 beses kaysa sa lamok at mas pini, masakit sobrang kati at nakakasugat ang kagat), walang kuryente, halos walong tao, malayo sa kabihasnan. Sa bandang itaas ay kagubatan. Sanga-sangang kahoy, ibon , ungoy at iba pang mapanganib na hayop tulad ng ahas at baboy ramo. Ngunit sagana sa tubig na hindinh hindi kailanman natutuyuan kahit na tag init pa. Ganyan kung ilalarawan ang minanang lupa ng magulang ko mula pa sa kanilang angkan, ang MALISOD, na ang ibig sabihin mula sa salitang Cuyunin (native language ng Palawan) ay MALUNGKOT


DOUNGAN: Daungan ng mga bangka papunta at paalis sa baryo ng BusyBees. Dito nakatira ang maraming klase ng insekto at hayop tulad ng ibon, niknik, unggoy at buwaya. Dito nagsasalubong ang tubig alat at tubing tabang. 



Tierra de Amor as of February 2013. 


Ang noong MALISOD ay pinalitan na at ginawa ng Tierra de Amor (Love land). Ice Plant, Fish Business, Farm, Poultry (soon). Yang ang tumatakbong kabuhayan sa lupang ito. As of now temporary pa lang ang mga bahay na yan, dahil pinaplano pa ang pagpapatayo ng mas maayos na establishment pati na rin sa bandang looban, and I can't wait to see the improvement, maybe 3-5 years? So proud of my MOM!

Isa sa pinaka gusto ko sa lugar na to bukod sa malayo sa kabihasnan, tahimik, at masarap magrelax ay ang breathtaking na Sundown. Kindly see the ff link below
- Silanga, Taytay Palawan

Tuesday, March 5, 2013

Museo de Baler

Para malaman mo raw ang kasaysayan ng bawat lugar na pupuntahan mo ay dapat na bumisita ka sa Musem nila. Dito mo kasi matatagpuan ang kaganapan , kagamitan, kaugalian at mga tao noon. Dito mo rin maiintindihan ang hiwaga at kagandahan ng bawat lugar.

 The Museum




European ship, 19th century



Dutch map of the East Indies, published from 1570-1574.




 The history




Baler as the catpital of Distrito del Principe in the Province of Aurora


Sunday, February 17, 2013

Cycle



Sunrise





Sunset




Full moon


- Silanga, Taytay Palawan

Wednesday, February 13, 2013

Tierra de Amor: Sundown Scenery


As seen from bankhouse. 



My sister with her son, Gamaliel Xian.


Silhouette


- Silanga, Taytay Palawan

Sun is coming up

Fuerza de Santa Isabel Park.

-Poblacion, Taytay Palawan

Tuesday, January 22, 2013

The Peak of Rizal

Tadaaa!!!! My first ever mountain climb, Mt. Balagbag in Rizal. 3 weeks of preparation kasama na doon ang  pag move ng schedule due to small rain. 2 bundok ang nasa original itinerary namin (feeling pro mountaineer) sa pag aakalang ganoon lang kadali pero dahil na rin sa intensive research ay napagpasyahan na ang Mt. Balagbag na lang ang unahin.

3 kaming makakating paa ang sumubok sa pag akyat. Lahat kami ay first time umakyat, mga amateur kung baga. At dahil may bahay ang isa naming kasama malapit sa bundok ay sya ang naging guide namin papunta sa paa ng bundok.


River Trail


Nang makalabas na kami sa main road mula sa river tripping. Umpisa na ng nakakahingal na pag akyat. Bawat makasalubong namin na lokal at nagtatanong kami kung "Malapit na po ba yung Helipad?" Ito kasi ang tawag sa summit ng Mt. Balagbag. At ang lahat ng mapagtatanungan ay iisa lang ang sabi "MALAYO PA". Hanggang sa naubusan na kami ng mapagtatanungan at naabot na namin ang GATE papunta sa summit. Yup! may gate talaga at kulay red. Private property ata yun, kasi may bakod. Mga 100m  mula sa gate may bahay na puro manok na pansabong, doon kailangan mag register at may Php10 environmental fee.


City Lights (sorry for the fail shot)




Our campsite at the very middle of this still, see those small white dots? 



Other group of campers.

Di na kami pinayagan pa na mag camp doon mismo sa Helipad dahil sa epic na lakas ng hangin. Delikado daw baka pag umpisahan pa ng sunog kapag magluluto kami at baka daw pag gising namin ay nasa ibang lugar na kami dahil tinangay na kami sa lakas ng hangin. Sobra din sa lamig noong pagabi na at kahit nakadoble pa kami ng jacket at tagos pa rin talaga sa buto ang lamig.




The summit a.k.a HELIPAD



The Mega Manila. Looks like a modern city floating in the clouds.


Di ko alam kung may kababalaghan ba ang Balagbag. Pero kasi bandang 11pm, 2am, at 3am na kung saan ang maliwanag ang buwan, epic sa lakas ng mangin at matindi ang lamig, may naririnig ako na batang naghahabulan at nagsisigawan mula sa malayo, parang naghaharutan. Ganoong oras? Malakas ang hangin? Sobrang lamig? Sa tutok ng bundok? Mga batang parang naglalaro at nagsisigawan? Hala!

Kinabukasan, kinuwento ko yung mga narinig ko, at nakumpirma ko na di ko lang yung guniguni. Sila rin daw ay narinig nila ang ingay ng mga bata. Patunay lang na 3 kaming naistorbo ng mga bata. 

Pahabol. At syempre inatake na naman ang ako ng sakit ko sa tuhod kaya hirap ako sa paglakad pababa. di ko maibaluktot yung tuhod ko kahit na nilagyan ko pa ng salonpas nung gabi. Buti na lang pagbaba ng bundok may mabait at masayang pamilya na nag offer sa amin ng lift papunta sa sakayan. Malayo layo rin yun.

Thursday, January 10, 2013

Landscape: Baler edition pt1

A bonding moment. Father and Son


Rumaragasang alon. Perfect for amateur surfers


 Uhhmmm... STONE?


Overkill. Boredom. 


Aurora Lake