Wednesday, March 20, 2013

Tierra de Amor: from GloomyLand to LoveLand

Gunigunihin. Isang lugar sa tabing dagat na puro mangrove ang nakatanim. Maputik, maraming niknik (mas maliit pa ng halos 10 beses kaysa sa lamok at mas pini, masakit sobrang kati at nakakasugat ang kagat), walang kuryente, halos walong tao, malayo sa kabihasnan. Sa bandang itaas ay kagubatan. Sanga-sangang kahoy, ibon , ungoy at iba pang mapanganib na hayop tulad ng ahas at baboy ramo. Ngunit sagana sa tubig na hindinh hindi kailanman natutuyuan kahit na tag init pa. Ganyan kung ilalarawan ang minanang lupa ng magulang ko mula pa sa kanilang angkan, ang MALISOD, na ang ibig sabihin mula sa salitang Cuyunin (native language ng Palawan) ay MALUNGKOT


DOUNGAN: Daungan ng mga bangka papunta at paalis sa baryo ng BusyBees. Dito nakatira ang maraming klase ng insekto at hayop tulad ng ibon, niknik, unggoy at buwaya. Dito nagsasalubong ang tubig alat at tubing tabang. 



Tierra de Amor as of February 2013. 


Ang noong MALISOD ay pinalitan na at ginawa ng Tierra de Amor (Love land). Ice Plant, Fish Business, Farm, Poultry (soon). Yang ang tumatakbong kabuhayan sa lupang ito. As of now temporary pa lang ang mga bahay na yan, dahil pinaplano pa ang pagpapatayo ng mas maayos na establishment pati na rin sa bandang looban, and I can't wait to see the improvement, maybe 3-5 years? So proud of my MOM!

Isa sa pinaka gusto ko sa lugar na to bukod sa malayo sa kabihasnan, tahimik, at masarap magrelax ay ang breathtaking na Sundown. Kindly see the ff link below
- Silanga, Taytay Palawan

No comments:

Post a Comment