Thursday, March 28, 2013

Road Travel: It's More Fun In The Philippines





Reasons why road travel is more fun in the Philippines.


Rough road 

Kung ang EDSA nga malubak pa rin kahit sementado na ano pa kaya kung bundok na tinapyas ang dadaanan. Palalain pa yan ng mga naglalakihang kanal sa gitna mismo ng daan na inagusan ng tubig kapag umuulan. Pag tag-ulan maputik, free mud pack. Pag tag init maalikabok, libre naman foundation.

Landslide, Mudslide, Cliff aka The Danger Zone

At dahil nga sa tinatapyas ang bundok para gawing daan, hindi talaga maiiwasan magkaroon ng landslide o mudslide kapag umuulan. Nandyan yung gumugulong yung mga bato sa gilid at sa unahan biglang end na ng journey nyo dahil may nakaharang na lupa sa daanan kung minsan malaking puno pa. At dahil na rin sa dulas ng daanan maling kabig lang ng manibela paatras ay bangin ang huhulugan..marami-rami na rin akong narinig na reporter cases lalong lalo na nung unang ginagawa pa lang ang daan.

Top loads and over loads.

Syempre byaheng probinsya. Minsanan lang sa isang araw ang alis kaya nilulubos na nila ang byahe. Hakot kung hakot, hanggat hindi sumasabog ang gulong wapakels! Karga ng sako sako ng bigas. Karton karto ng grocery para sa tindahan. Sako ng uling at kahoy pang gatong. Sako ng niyog. Buwig ng saging. Mga tiklis ng mangga. Container ng gasolina. Baboy na nakasabit sa likod. Manok sa ilalim ng upuan. At sandamakmak na tao sa ibabaw ng sasakyan. Syempre sa daan pi-pick-up pa sila ng pasahero. 

Wheels of fortune

Ito ang nakaka BV. Overloaded ang sasakyan dagdagan pa ng VERY rough road na kung saan NAGLALAKIHAN ang mga matatalim na bato, hayun! PHHHEEWWW! Yung totoo, ayon sa aking pag a analyze 8 sa bawat 10 sakay ko mula bayan patungong mga baryo ang laging nagkakaproblema sa gulong. FLAT!!!!

Efficient Driver

Bigyan naman natin ng komendasyon ang mga driver. Aba! Mahirap din kaya mag drive sa ganyang  klase ng daanan. Kailangan maabilidad ka sa mga naglalalimang lubak at putik dahil kung hindi tyak mababalahaw kayo. 

Magnificent View

Pampawi sa sakit-ulong byahe. Magtataasang bundok. Makapal ng gubat. Mga ilog. Malapad na dagat. At mga hayop sa daanan. Pamparelaks pa ang sariwang hangin.

Cool Passengers

Minsan nakaktuwa, minsan nakakainis. Depende yan sa makakatabi mo. May pasaherong amoy....basta. May pasahero na madaling mahilo at sumusuka. may pasaherong maarte. May pasaherong cool katabi at mayroon din namang ..wala lang. Pero kahit anong klase pa yan ng pasahero, pag nahirapan ang sasakyan umakyat sa matarik na daan, tyak bababa at baba rin sila para maglakad. Basta ang naaalala ko sa huling byahe ko, isang matandang babae na nakasabit sa likod ng jeep, partida pa, may dala pa syang gallon. Yan ang cool.

-Taytay Palawan

No comments:

Post a Comment